Pagpapaputok iwasan para sa maayos na kalusugan - Climate Change Advocates
MANILA, Philippines – Habang naghahanda ang buong bansa sa pagdiriwang ng Bagong Taon, nanawagan ang climate change advocate sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok sa pagsasaya upang maiwasan ang dumaraming bilang ng mga biktimang dulot nito at makatulong na rin para mabawasan ang ibinubugang usok na nagdudulot ng masamang epekto ng global warming.
Ayon kay Climate Change Commissioner Heherson Alvarez, hindi na kailangan dagdagan ang pananalasa ng mga nagdaang malalakas na bagyo bunga ng mga carbon na ibinuga ng mga paputok na nakapag ambag sa climate change.
“Our Oriental firecracker mentality, supposedly to ward off evil spirits, shows our disregard for the adverse environmental, public safety and health impacts of firecracker explosions that essentially add greenhouse gas emissions that heat the Earth, caused by flash gunpowder explosions and colorful toxic chemical stars,” git nito.
Ang ganito anyang pagsasaya ay nakapagpapawala sa ating damdamin para protektahan ang ating kapaligiran.
Nagbabala rin si Alvarez, sa epekto ng kemikal at polusyon sa hangin dulot ng firecrackers at pyrotechnics sa kalusugan ng mga nagsasaya at inosenteng mamamayan tulad ng sanggol, buntis, matatanda at maging ang mga alagang hayop.
- Latest