Pork barrel sa 2016 budget itinanggi

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Malacañang ang akusas­yon ng Social Watch Philippines na may nakasingit na pork barrel sa 2016 national budget, ayon kay PCOO Secretary Herminio Coloma Jr.

Sinabi ni Coloma, walang katotohanan ang akusasyon ng Social Watch na may nakasingit na pork barrel fund at lump sum allocations sa P3.002 tril­yong national budget.

Wika pa ni Coloma, mahigpit na tumalima ang gobyerno sa itinakda ng batas at batay sa naging desisyon ng Korte Suprema noong 2013 na ipinagbabawal na ang pork barrel funds sa mga general appropriations.

Aniya, nang pumasa ang GAA sa Kongreso ay dumaan ito sa pagbusisi ng mga mambabatas sa Kamara at Senado.

Idiniin ng Malacañang na malaki ang ginawang reporma ng executive department upang huwag magkaroon ng anomalya sa pagbibigay ng budget sa iba’t ibang programa.

Show comments