MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Korte Suprema ngayong Lunes ang kahilingan ni Sen. Grace Poe na maglabas ng temporary restraining orders (TRO) laban sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na diskwalipikahin siya sa 2016 polls.
Dalawang TRO ang inilabas para sa tig-isang desisyon ng First at Second Division ng poll body.
Samantala, itinakda ang Enero 19, 2016, ganap na alas-2 ng hapon, para sa oral arguments sa kaso ni Poe sa tanggapan ng mataas na hukuman sa Maynila.
BASAHIN: Chiz na binansagang ‘ahas’ hindi inabandona si Poe
Inutusan din ng korte ang Comelec na sumagot sa loob ng 10 araw.
Kaninang umaga ay naghain ng petisyon ang kampo ng senadora sa mataas na hukuman upang ipabasura ang desisyon ng Comelec.