MANILA, Philippines – Itinanggi kahapon ng Philippine Army (PA) ang pahayag ng New People’s Army (NPA) na mas lumalakas ang puwersa nila kaysa sa puwersa ng pamahalaan.
“The statement of the NPA spokesman in Mindanao is another figment of imagination that aims to excuse their failures and continuous dwindling of strength,” ayon kay Col. Benjamin Hao, tagapagsalita ng PA.
Base anya sa rekord ng Armed Forces of the Philippine (AFP) ang lakas ng NPA na 2,035 ay bumaba sa 1,691 na tauhan ngayong taon.
At mula sa 547 barangay na naimpluwensyahan ng NPA, ay bumaba na ito sa 413, giit pa ni Hao.
“On firearms count, they lost 101 firearms this year,” dagdag pa nito.
Ang pinakamakabuluhang pagbaba ay ang kanilang 29 guerrilla fronts na ngayon ay bumaba sa 24, salungat sa eksaheradong 46 fronts na ipinapahayag ng tagapagsalita ng NPA sa Mindanao.
“This claim further negates the fact that they lost one of their key leaders this year in the person of Leoncio Pitao, alyas Commander Parago,” ayon pa sa tagagsalita ng Army.
“Hayag na ang paghina ng kanilang puwersa sa lahat ng aspeto at ang kanilang panlilinlang ay kasabay ng kanilang pagsasagawa ng extortion na tinagurian nilang ‘revolutionary taxation’ dahil sa parating na halalan. Patuloy ding pinaiigting at ibayo pang pinaghuhusayan ng pamahalaan ang paghatid ng mahalagang serbisyo at programang pangkaunlaran para sa kapakanan ng mga mamamayan habang tinitiyak ang kanilang seguridad at kaligtasan,” sabi naman ni Presidential Communications Sec. Sonny Coloma.