^

Bansa

Biktima ng paputok 81 na - DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 81 ang bilang ng mga biktima ng mga paputok ngayong Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Health Sec. Janette Garin, bagamat mas mababa ng 48 percent ang naturang datos kung ikumpara sa nakalipas na limang taon, ikinababahala ng kalihim na pabata ng pabata ang mga nabibiktima ng paputok at ang pinakabata ay 11 taong gulang lamang.

Pinakamarami pa rin umano na biktima ay dahil sa ipinagbabawal na piccolo.

Dahil dito nanawagan ang kalihim sa taong bayan na iwasan ang paggamit ng piccolo, at ipagbigay alam sa mga otoridad kung sino ang nagbebenta nito dahil maari silang hulihin dahil sa pagbebenta ng illegal na paputok.

Samantala sa monitoring ng PNP, isang pulis at dalawang sibilyan ang naitalang kaso ng illegal discharge of firearms; pito katao ang naitalang nasugatan, lima naman ang nasugatan na may kinalaman sa stray bullet; habang dalawa ang su­gatan sa illegal discharge of firearms.

Umabot naman sa P603, 681.00 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang mga pa­putok sa iba’t-ibang panig ng kapulisan. Dagdag ulat ni Ricky Tulipat

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

DAGDAG

DAHIL

HEALTH SEC

JANETTE GARIN

KAPASKUHAN

MGA

RICKY TULIPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with