MANILA, Philippines – Mas magiging madalas na ang paglalabas ng presidential surveys na gagawin ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) pagpasok ng taong 2016.
Ito anila ay dahilan sa mas kailangan ng publiko ang ganitong mga survey upang maging barometer sa mangyayaring halalan sa Mayo ng susunod na taon.
Idinipensa naman ni Leo Laroza ng SWS ang kanilang paiba-ibang methodology sa mga ganitong gawain sa mga nakalipas na buwan.
Ayon kay Laroza, nakadepende ang survey sa mga nagkokomisyon nito, kung ano ang kanilang interes na malaman mula sa sentimyento ng publiko.
Matatandaang may ilang pag-aaral na tila salungat ang resulta sa ibang survey firm dahil sa pamamaraan ng mga nagsagawa ng pagtatanong sa mga respondents.