MANILA, Philippines – Kinuha na ng 48-anyos na ama mula sa Marinduque ang kaniyang panalo sa 6/49 superlotto na binola noong Disyembre 13 na nagkakahalaga ng P212,502,832.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Ferdinand Rojas II, nakuha ng maswerteng mananaya ang winning lotto combination na 5-8-10-13-15-33.
Dagdag pa nito na ang nasabing numero ay bigay sa kaniya ng Holy Spirit ng ito ay napanaginipan noon pang 1996.
Plano ng masuwerteng nanalo na i-donate ang bahagi sa simbahan at ang ilan ay ilagay sa negosyo.