Lamig sa Baguio pumalo sa 13º C

Ito ay nang maitala ng PAGASA kahapon ng umaga ang pinakama­babang temperatura na 13.0 degree celsius, mas malamig sa 15.8 °C noong Martes. Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines – Tumindi pa ang lamig sa Baguio City at lalawigan ng Benquet.

Ito ay nang maitala ng PAGASA kahapon ng umaga ang pinakama­babang temperatura na 13.0 degree celsius, mas malamig sa 15.8 °C noong Martes.

Mas titindi pa ang lamig sa nabanggit na mga lugar hanggang sa sumapit ang buwan ng Pebrero dahil sa pagtunaw ng yelo sa Tsina.

Patuloy naman ang ginagawang pamamaraan ng mga Benguet farmers para ‘di masira ang kanilang pananim dahil sa frost bite na dulot ng malamig na klima.

Maaliwalas naman ang panahon sa ibang bahagi ng bansa laluna sa Metro Manila.

Show comments