^

Bansa

Binay, Poe, Mar at Duterte dikitan ang laban

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi nagkakalayo sina Vice-President Jejomar Binay, Sen. Grace Poe, dating DILG Sec. Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng SWS.

Sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) noong Dis­yembre 12-14 na nilahukan ng 1,200 respondents, 26% ang bumoto kina Binay at Poe, habang si Roxas ay may 22% at 20% naman si Duterte.

Sinabi ni SWS director Leo Laroza, maitutu­ring na statistically tied sina Binay, Poe, Roxas at Duterte dahil sa margin of error na plus minus 3%, kung saan para maging frontrunner ay kailangang 7% pataas ang kalama­ngan.

“Walang clear frontrunner sa survey na ito dahil napakalapit ng scores na nakuha ng apat na kandidato” aniya.

Malayo naman sa ikalimang puwesto si Sen. Miriam Defensor Santiago na nakakuha lamang ng 4%.

Si Binay ay nahaharap sa mga isyu ng graft and corruption noong siya ay nanilbihang Mayor ng Makati City, habang kinakaharap naman ni Poe ang disqualification case dahil sa kakulangan ng kanyang residency.

Ibinabato naman kay Duterte ang isyu ng extra-judicial killings at ang pambababae.

Sa vice-presidential race, patuloy na nangu­nguna si Sen. Francis Escudero, running mate ni Poe, sa nakuhang 30% habang statistically tied naman sa ikalawang puwesto sina Camarines Sur Rep. Leni Robredo at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 19% at Sen. Alan Peter Cayetano na may 17%.

ACIRC

ALAN PETER CAYETANO

BINAY

CAMARINES SUR REP

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

FRANCIS ESCUDERO

GRACE POE

LENI ROBREDO

LEO LAROZA

MAKATI CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with