MANILA, Philippines — Siyam na puntos ang ibinaba ng net satisfaction rating ni Bise Presidente Jejomar Binay sa ikaapat na quarter ng taon, ayon sa Social Weather Stations survey ngayong Lunes.
Bumaba sa 24 percent ang grado ni Binay ngayong Disyembre mula sa 24 percent niya noong Setyembre.
Samantala, record low din ang satisfaction rating ni Senate President Franklin Drilon na nakakuha ng 7 percent mula sa 42 percent niya noong Setyembre.
Kapwa naman nakakuha ng -1 percent sina House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte Jr. at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno , habang ang buong senado naman ay tumabo ng 30 percent.
Natapyasan din ang grado ni Pangulong Benigno Aquiino III sa 32 percent mula ng 41 percent.
Isinagawa ang survey noong Disyembre 5 hanggang 8 kung saan 1,200 respondents ang kinailangan.