Serbisyo ng Globe sa Samar naibalik na

MANILA, Philippines – Naibalik na ng Globe Telecom ang mobile services sa Catarman, Northern Samar matapos ang malaking pinsalang idinulot sa lugar ng mala­lakas na hanging dala ng bagyong Nona.

Puspusan na ang ginagawang pagsasaayos ng kompanya sa mga cell site na labis na naapek­tuhan ng bagyo. Ilang service disruptions ang na-monitor sa ilang lugar sa Southern Luzon at Eastern Visayas. Karamihan sa service disruptions na ito ay sanhi ng power outages at transmission issues na dulot ng mala­lakas na hangin.

“Our technical teams are rushing to recover cell sites and restore mobile services in areas adversely impacted by the typhoon to help facilitate relief and rehabilitation efforts for affected communities,” wika ni Peter Tan, Globe Senior Vice President for Operations, Network Technical Group sa ipinadalang pahayag.

Samantala, pinalawak ng Globe ang pagpapakalat ng ‘Libreng Charging’ operations at sa ngayon ay nagkakaloob ito ng serbisyo sa 25 iba’t ibang lugar sa Northern Samar.

May libreng charging stations din ito sa Western Samar, Oriental Mindoro at Sorsogon.

Show comments