^

Bansa

MPD tumanggap ng cash gifts, patrol cars kay Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinanggap na ng mga pulis ng Manila Police District ang kanilang allowance at patrol cars mula kay Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa simpleng se­remonya, sinabi ni Estrada na mabilis at maayos na serbisyo lamang ang kanyang hangad mula sa mga pulis upang mabilis ang peace and order sa lungsod.

Aniya, wala namang ibang paraan sa pag-unlad ng isang lungsod o bansa kundi ang peace and order.

Mas maraming mga negosyante ang mahihikayat na mamuhunan sa lungsod kung natitiyak nila ang kanilang mga kaligtasan.

Ayon naman kay MPD Director Chief Supt. Rolando Nana, malaki ang pasasalamat nila kay Estrada dahil sa pagbabalik ng moral ng mga pulis. Aniya, malaking tulong sa kanila ang cash gifts at patrols cars upang mapabilis ang kanilang pagbibigay serbisyo.

Personal ding binig­yan ni Estrada ng P20,000 ang bawat pulis bilang peace and order allowance.

Umaabot na sa P136 milyon ang naibigay ni Estrada sa MPD bukod pa sa 110 electric personal transporter (segway) at dagdag na 15 patrol cars mula sa 14 na naunang ibinigay.

Samantala, namahagi din ng ham at grocery pac­kage si Estrada sa may 3,000 pamilya na ginanap sa Tondo Sports Complex.

 

ACIRC

ANG

ANIYA

AYON

DIRECTOR CHIEF SUPT

ESTRADA

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

ROLANDO NANA

SAMANTALA

TONDO SPORTS COMPLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with