MANILA, Philippines – Tuluyan nang humina ang bagyong Onyok habang binabagtas ang bahagi ng Davao Oriental.
Ayon kay Adzcar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, alas-4 ng hapon ay namataan ang bagyo sa layong 210 kilometro silangan ng Mati City, Davao Oriental.
Bahagya anya itong humina mula sa 65 kph ay naging 45 kph na lamang pero bumilis habang papalapit sa eastern Mindanao sa 18 kph.
Inaasahan din anyang mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Surigao del Sur at magiging ganap na low pressure area o LPA.
Samantala, nakataas na ang signal no.1 sa buong Mindanao kung saan makakaranas ang mga lugar ng pag-ulan at pagbugso ng hangin.
Sabado ng umaga ay tuluyan nang magiging LPA ang bagyo, ani Aurelio.