^

Bansa

Duterte tuloy na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuloy na ang pagkandidato sa pagkapa­ngulo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa May 2016 elections.

Ito’y matapos tanggapin ng Comelec En Banc ang kanyang certificate of candidacy (COC) bilang substitute ni Volun­teers Against Crime and Corruption (VACC) chair Martin Diño sa pagkapangulo. 

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, sa pamamagitan ng boto na 6-1 ay pinayagan na ng Comelec na maisama ang pangalan ni Duterte sa official list of candidates sa 2016 presidential elections bilang standard bearer ng PDP-Laban.

Depensa ng Comelec law department na nakumpleto ng kampo ni Duterte ang mga basic requirements para siya ay ikonsidera bilang miyembro ng partido.

Pero ayon kay Bautista, tanging substitution lamang ang niresolba ng poll body maliban na lamang kung meron pang ihahaing disqualification case laban sa kaniya.

Una rito, naghain ng disqualification case ang Davao City base broadcaster na si Ruben Castor laban kay Mayor Duterte dahil hindi raw siya puwedeng mag-substitute kay Diño na tumatakbong mayor ng Pasay base na rin sa CoC ng VACC chair.

Ipinababasura ng abogado ni Duterte na si Atty. Vitaliano Aguirre sa First Division ng Comelec ang disqualification case dahil hindi nagpakita sa hearing noong Martes ang petitioner na si Castor.

Giit ni Aguirre, hindi naman interesado si Castor sa kaso kaya mas maiging ibasura na lamang ito.

Gayunman, binigyan pa rin ng Comelec First Division si Castor na magpakita sa isasagawang hearing ngayon.

Hinihintay na rin ng Comelec ang mga indibidwal o grupo na maghahain pa ng disqualification case laban kay Duterte.

ACIRC

AGAINST CRIME AND CORRUPTION

ANG

ATILDE

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

COMELEC EN BANC

COMELEC FIRST DIVISION

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with