MANILA, Philippines – Bigo ang Commission on Elections na maglabas ng desisyon sa motion for reconsideration ni Sen. Grace Poe na kumukuwestiyon sa ginawang pagkansela ng Comelec 2nd division sa kanyang certificate of candidacy sa pagkapangulo.
Dahil dito, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na muling isasalang sa deliberasyon ng Comelec En Banc sa kanilang regular session ngayon ang apela ni Poe.
Ngayon din nakatakdang ipalabas ng Comelec ang pinal na listahan ng mga kandidato sa Eleksyon 2016.
Nakadepende umano ang mga nasabing usapin sa magiging resulta ng en banc session ngayon.
Samantala, nag-inhibit si Comelec Commissioner Christian Robert Lim sa pagtalakay ng Comelec En Banc sa motion for reconsideration ni Poe laban sa naging desisyon ng Comelec 2nd Division na nagkansela sa kanyang CoC sa pagkapangulo.
Ayon kay Lim, dati niyang associate sa law firm si Atty. Estrella Elamparo, ang naghain ng petitioner laban kay Poe.
Nakasama umano niya si Elamparo sa Lim, Ocampo and Canderlia Law Offices nuong 2002. Dahil dito, inaasahang anim na miyembro na lamang ng Comelec En banc ang magbobotohan sa apela ni Poe.