^

Bansa

Taas-pension ng mga beterano aprub na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aprubado na ng House Committee on Veterans Affairs and Welfare ang panukalang nagtataas ng old age pension ng mga beteranong sundalo.

Walang tumutol sa House bill 6230 na naglalayong madagdagan ang limitadong resources ng mga sundalong beterano para makapamuhay ng disente kaya mula sa P5,000 ay ginawa itong P10,000.

Ang kasalukuyang P5,000 old age pension ng mga bete­ranong sundalo ay 21 taon na ang nakalilipas.

Hindi naman sakop ng panukala ang beteranong may tinatanggap ng katulad na benepisyo mula sa ibang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Bataan Rep. Herminio Roman, may akda ng panukala na talagang hindi na sasapat ang halagang ito at katiting kung ikukumpara sa sakripisyo ibinigay ng mga beterano para sa bansa.

Sa tala ng PVAO, 12,730 na lamang ang bilang ng mga makikinabang sa mas mataas na old age pension, pinakabata sa mga ito ay 84 habang 105 years old naman ang pinakamatanda.

ACIRC

ANG

APRUBADO

AYON

BATAAN REP

HERMINIO ROMAN

HOUSE COMMITTEE

MGA

NBSP

VETERANS AFFAIRS AND WELFARE

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with