MANILA, Philippines – Tumama na sa kalupaan ng Samar ang bagyong Nona na may international name na Melor, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes ng umaga.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 85 kilometro silangan ng Catamara, Northern Samar kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ni Nona ang lakas na 150 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 185 kph, habang gumagalaw pa-kanluran sa bilis na 17 kph.
Inaasahang tatama ulit sa kalupaan ang bagyo mamayang gabi sa Sorsogon.
Nakataas ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:
Posted by Dost_pagasa on Sunday, December 13, 2015
Ipinaliwanag din ng PAGASA kung bakit pinalitan ang pangalan ng bagyo.
Unang tinawag na "Nonoy" ang pang-14 na bagyo ngayong taon ngunit pinalitan ito dahil katunog ng palayaw ni Pangulong Benigno Aquino III.
Nagbabala rin ang state weather bureau sa maaaring storm surge sa Samar at Sorsogon.