Mar-Chiz na kami
MANILA, Philippines – “Dito sa lalawigan ng Sorsogon understandable na yun. Nung pagpunta palang dito ni (dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na explain na namin na kakaiba ang Sorsogon dahil tagarito sa amin si Senator Chiz, Mar-Chiz na kami”.
Ito ang sinabi ni Sorsogon provincial administrator at kasalukuyang Liberal Party gubernatorial candidate Robert Bobet Lee-Rodrigueza na naglinaw na ang kanilang susuportahan ay si Roxas para pangulo at Senator Chiz Escudero bilang vice president.
Bagamat katamdem ni Escudero si Senador Grace Poe ay aminado ang lalawigan na may napili na sila sa pagkapanguluhan at batid nilang hindi ito ikasasama ng loob ni Escudero.
Si Escudero ang tumatayong kingpin o godfather ng pulitika sa Sorsogon at kaalyado ng senador sina incumbent governor Raul Lee, at Sorsogon 2nd District representative Deogracias Ramos.
Ang pamilya Lee at Ramos ay mga miyembro ng Liberal party.
Matatandaan na una nang isinisi ni Polytechnic University of the Philippines Professor at Political Analyst Joey Sindayen Pinalas kay Escudero, tumatayong campaign strategist at pangunahing legal adviser ni Poe, ang pagkakadiskuwalipika dito ng Commission on Elections.
Sinabi din ni Pinalas na “trojan horse politics” ang uri ng pulitika ni Escudero dahil malikot, patago, at pailalim ang mga galaw nito. Inihalimbawa niya ang pagsasantabi na lamang umano ni Escudero sa kanyang mga dating supporters na sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Joseph Estrada, mga dating Senador Manny Villar, at Panfilo Lacson, reelectionist Senator Serge Osmeña, at business tycoon Danding Cojuangco na ngayon ay kaaway na ng senador sa kabila ng malaking suporta ng mga ito sa kandidatura nito.