MANILA, Philippines - Kahit payagan ng Konstitusyon na muling tumakbong presidente ay hindi na rin tatakbo si Pangulong Aquino.
Sinabi ng Pangulo na naniniwala siyang walang forever kaya hindi din niya aambisyuning mahalal muli bilang pangulo ng bansa.
“If I were allowed to continue in office, I couldn’t ask the people who helped me to sacrifice for another six years,” wika pa ng Pangulo sa Bulong Pulungan X’Mas party sa Hotel Sofitel kahapon.
Aniya, bagama’t nais niyang makita pa ang bunga ng kanyang pagsisikap tulad ng SLEX-NLEX connector highway, ang pagbuti ng operasyon ng MRT at LRT at ang pagpapatuloy ng CCT program ay mas mabuting ibigay na lamang sa mas bata, mas energetic na lider ang pamumuno sa bansa.
“There’s a side I want to ride the MRT with more trains, make sure CCT program will produce result it was asked for. I would not want to put my successor in the same situation in having to deal with well-meaning, but unfortunately not good advice.
I’m really thankful for this opportunity. I think we surpassed the expectations of those who believed in us,” paliwanag pa ni PNoy sa open forum ng X’Mas Party.
Inamin din nito na mahirap din para sa kanya na kumbinsihin muli ang kanyang mga staff na ipagpatuloy pa ang pagsasakripisyo.