MANILA, Philippines - Isang low pressure area (LPA) ang nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa loob ng 24 oras.
Kahapon ng umaga, namataan ang LPA sa layong 1,700 kilometro silangan ng Mindanao. Kapag pumasok sa PAR at naging ganap na bagyo ay tatawagin itong Nonoy.
Ayon sa PagAsa, si Nonoy ay may maliit na tsansang mag-landfall pero may epektong hatid ito sa silangan ng Visayas at Mindanao.
Bukod kay Nonoy ay may isa pang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa bago matapos ang taong 2015.
Maaliwalas naman ang panahon sa ibat ibang bahagi ng bansa ngayong weekend.