1st division ng Comelec kinansela rin ang COC ni Poe

2016 presidential candidate Sen. Grace Poe. Philstar.com/Efigenio Toledo IV, file

MANILA, Philippines – Muli na namang kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Biyernes ang certificate of candidacy (COC) ni Sen. Grace Poe na tatakbong pangulo sa eleksyon 2016.

Sa botong 2-1 ay napagdesisyunan ng Comelec 1st Division na kanselahin ang COC ni Poe base sa tatlong petisyon na kumukuwestiyon sa kanyang citizenship at residency.

Una nang kinansela ng 2nd Division ang COC ni Poe dahil sa petisyon ng abogadong si Estrella “Star” Elamparo na kinuwestiyon din ang kakulangan ng senadora sa 10-year residency rule.

Naghain na ng motion for reconsideration ang kampo ni Poe sa Comelec en banc at ayon sa abogadon si George Garcia ay ganito rin ang gagawin nila para sa desisyon ng 1st Division.

Sinabi ni Garcia sa kaniyang panayam sa dzBB na hindi nababahala ang kampo ni Poe at tuloy pa rin ang kampanya ng senadora patungo sa eleksyon sa Mayo.

 

 

Show comments