^

Bansa

77 tangke mula Estados Unidos dumating na sa Pinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang 77 sa kabuuang 114 donasyong tangke ng Amerika sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na naglalayong mapaangat pa ang kapabilidad ng tropa ng hukbong katihan laban sa mga grupong banta sa pambansang seguridad. 

Ang nasabing M1133A2 Armored Personnel Carrier (APC) battle tank ay duma­ting sa Subic Bay kamakalawa ng gabi kung saan ang paglilipat ng naturang mga military equiptment ay bahagi ng Excess Defense Article Program o EDA.

Alinsunod sa EDA, pinapayagan ang Amerika na libreng ibahagi ang mga sobra nilang kagamitang pandigma sa mga kaalyado nitong bansa tulad ng Pilipinas. Ang 37 pa sa mga tangke ay darating naman sa Lunes ( Disyembre 14).

Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato na ang transportasyon lamang ng mga tangke ang ginastusan ng pamahalaan na aabot sa P67.5 M.

“ It will be deployed in ­areas where our AFP forces is combatting all threat groups,” pahayag ni Detoyato.

Prayoridad ng deployment ang Central at Western Mindanao kung saan may presensya ng mga bandidong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf Group (ASG) at mga kaalyado ng mga itong Jemaah Islamiyah (JI) terrorist at iba pa. 

Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Benjamin Hao, mapupunta sa kanilang hukbo ang nasabing mga tangke na lalagyan ng M50 machine gun at communications equipments bago ideploy sa mga field units.

Bahagi ng mga donasyong tangke ay ipaparada ng Philippine Army sa 80 taong anibersaryo ng AFP na gaganapin sa Clark Air Base sa Pampanga.

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

AMERIKA

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMORED PERSONNEL CARRIER

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BENJAMIN HAO

CLARK AIR BASE

EXCESS DEFENSE ARTICLE PROGRAM

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with