^

Bansa

PSN, Best Tabloid sa ALTA Media Icon Awards

Mario D. Basco - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Panibago na namang karangalan ang nakamit ng Pilipino Star NGAYON matapos makopo sa ALTA Media Icon Awards ang Best Tabloid Newspaper na ipinagkaloob ng pamunuan ng University of Perpetual Help System DALTA sa kanilang 40th Founding Anniversary sa Las Piñas City.

Nagpaabot ng anunsyo ang pamunuan ng nasabing unibersidad sa pamamagitan nina Rowena G. Morta at Dr. Alfonso H. Loreto kay Miguel Go Belmonte, President and CEO  ng Star Group of Publications na ang Pilipino Star Ngayon ay Student’s Choice award-giving body bilang Best Tabloid.

Gaganapin ang awarding ceremony sa Biyernes ng hapon (Dec. 11) sa Ernesto Palanca Crisostomo Hall sa Perpetual Las Piñas campus.

Nakopo ng Pilipino Star NGAYON ang nasabing parangal matapos ang voting process ng 10,000 estudyante sa pamumuno nina Rowena Gregorio bilang department chairperson at Alda Lou Cabrera, event coordinator bilang faculty ng Department of Communication.

Kabilang sa mga katangian ng PSN na inayunan ng mga estudyante ay ang mga nilalamang balita na informative, unbiased in reporting, entertaining, maka-masa at hindi pahuhuli sa balita.

Kabilang din sa tatanggap ng gantimpila sa gagana­ping ALTA Media Icon Awards ay mula sa telebisyon, radio, film, at print media.

Ang pagbibigay ng parangal ay pangungunahan nina Dr. Daisy Tamayo, co-founder and board of director; Anthony Tamayo, UPHSD president; at Major Richard Tamayo, board secretary at UPHDMC president.

ALDA LOU CABRERA

ANG

ANTHONY TAMAYO

ATILDE

BEST TABLOID

BEST TABLOID NEWSPAPER

DEPARTMENT OF COMMUNICATION

DR. ALFONSO H

DR. DAISY TAMAYO

MEDIA ICON AWARDS

PILIPINO STAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with