Sen. Bam: Kabataan tataya kay Leni bilang VP
MANILA, Philippines – Tataya ang mga kabataan kay Leni Robredo bilang bise presidente!
Ito ang kumpiyansang pahayag ni Sen. Bam Aquino nang tanungin kung makatutulong ba ang mga kabataan kay Robredo sa darating na halalan.
“Young people, ayaw nila ng fake, ayaw nila ng nagpapanggap, ayaw nila ng posers. I think si Leni is the most authentic of all candidates for vice president. Totoong-totoo, walang tinatago,” wika ni Sen. Bam, campaign manager ni Robredo.
“Pag sinabi niya she’s worked in communities, she really has done it. Kapag sinabi niyang ito ang nagawa namin sa Naga, nagawa talaga niya. I think that’s appealing to young voters and voters looking for something real,” dagdag pa ni Sen. Bam.
Para kay Sen. Bam, matalino na ang mga botante at alam kung sino ang peke, kung sino ang puro salita lang at kung sino ang dinadaan ang pasiklab sa speech.
Sa huling taya ng Commission on Elections (Comelec), halos nasa 20 milyong kabataan ang boboto sa 2016 elections, sapat para maipanalo ang isang kandidato para pangulo o pangalawang pangulo.
Tiwala rin si Sen. Bam na aakyat pa ang rating ni Robredo sa surveys, bunsod na rin ng patuloy na pagpapakilala at pagbisita nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
- Latest