MANILA, Philippines – Lusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 6268 o Salary Standardization Law o SSL 2015. 170 kongresista ang bumoto pabor sa panukala habang 5 naman ang bumoto ng ‘no’ at 1 ang nag-abstain. Matatandaang ang SSL 2015 ay isa sa mga panukalang mabilis nailusot sa botohan, dahil sa loob lang ng isang araw ay nakapasa ito sa committee level at ng araw ring iyon ay naipasa naman sa 2nd reading. Target ng SSL 2015 na mailapit ang mga sahod ng mga taga-gobyerno sa sweldong natatanggap ng mga nasa private sector. Layon din nito na ma-attract at mapanatili ang mga empleyado at opisyal sa gobyerno, kaya naman ang kumpensyasyon ng mga ito ay hindi bababa sa 70% ng market para sa lahat ng salary grades. Sa SSL 2015, makatatanggap ng 14th month pay ang mga nasa burukrasya, bukod pa sa may dagdag-sahod sila na hahatiin sa apat na taong implementasyon.