MANILA, Philippines – Dapat amyendahan ang Omnibus election code upang magkaroon ng mas mahigpit na patakaran laban sa mga nuisance candidates sa pagtakbo sa eleksyon, ayon kay Valenzuela City Rep. Win Gatchalian.
Naghain ng House bill 6252 si Rep. Gatchalian sa Kamara na mag-uutos sa Commission on Elections (Comelec) na kanselahin nito ang certificate of candidacy ng mga nais tumakbo sa public office na ang layunin lamang ay mangalap ng pondo upang kumita.
Aniya, ang mas mahigpit na patakaran laban sa mga nuisance candidates ay higit na kailangan upang hindi nito magulo at gawing katawa-tawa ang pagsusumite ng COC para tumakbo sa public office.
“There have been candidates even in the past who only filed COCs so they can raise money during campaign for personal gain, to get public attention, or to simply make fun of the elections,” wika pa ni Gatchalian ng Nationalist Peoles Coalition (NPC) na tumakbong senador sa ilalim ng Partido Galing at Puso (PGP).
Sa ilalim ng panukala ni Gatchalian ay dapat pagmultahin ng P50,000 ng Comelec ang mapapatunayang nuisance candidate.