MANILA, Philippines – Hindi matatanggap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P8 bilyong binawas ng Senado sa kanilang pondo para sa susunod na taon.
Inalmahan ni DSWD Secretary Corazon "Dinky" Soliman ang budget cut na dapat sana ay gagamitin para sa conditional cash transfer (CCT) o mas kilala sa tawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
"This was made despite the fact that the Senate has approved our budget proposal in the budget plenary session in November, without deductions. In fact, they even put in additional funds to our Social Pension and Supplementary Feeding Programs so we can cover more indigent Filipinos in need of government support," pahayag ni Soliman.
Sinabi ni Soliman na aabot sa 4.4 milyong pamilya ang hindi makatatanggap ng ayuda sa kalusugan at edukasyon, habang 10.2 milyong kabataan ang hindi makakapasok sa mga paaralan kung ipatutupad ang budget cut.
Inilgay ng Senado sa pangunguna nina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Vicente "Tito" Sotto III at Sen. Loren Legarda. ang binawas na pondo sa Philippine Air Force (PAF).
Samantala, umaasa ang Malacañang na ibabalik ito ng Senado.
Aabot sa P3.002 trilyon ang sinusubukang aprubahang pondo ng gobyerno para sa susunod na taon.