Christmas, New Year furloughs ni Arroyo, OK sa SC

MANILA, Philippines – Pinayagan ng Korte Suprema ngayong Martes ang hiling ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makauwi para sa Pasko at Bagong Taon.

Anim na araw ang ibinigay ng mataas na hukuman kay Arroyo na magsisimula sa alas-8 ng umaga ng Disyembre 23 hanggang  alas-5 ng hapon ng Disyembre 26.

Muli siyang makakabalik sa kaniyang bahay sa Disyembre 26 hanggang alas-5 ng Enero 2, 2016.

Naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City mula pa noong 2012 dahil sa kasong plunder kaugnay ng umano’y kuwestiyonableng paggastos ng P366-million pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nitong Agosto ay pinayagan din si Arroyo na makalabas ng ospital matapos pumanaw ang kaniyang kapatid na si Arturo Macapagal.

 

Show comments