MANILA, Philippines – Nagtungo ngayong Martes sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte upang personal na magpasa ng kaniyang certificate of candidacy (COC) para sa pagkapresidente sa 2016.
Nauna nang naghain si Duterte ng COC sa pamamagitan ng kaniyang abogado noong Nobyembre 27, kasabay nito ang pag-atras ng kaniyang kandidatura sa pagkaalkalde sa Davao City.
Kahit tapos na ang pasahan ay tinaggap pa rin ng Comelec ang kaniyang COC dahil siya ang idineklarang kapalit ni dating Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) presidential bet Martin "Bobot" Diño.
BASAHIN: Petisyon na ideklarang nuisance ang pinalitan ni Duterte, ibinasura ng Comelec
Iginiit ni Duterte na kwalipikado siyang tumakbo dahil hinahayaan ng Comelec ang pagkakaron ng substitute ng isang partido.
Kasamang naghain ng COC ni Duterte ang kaniyang running mate si Sen. Alan Peter Cayetano, PDP-Laban president Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III at si Diño.