^

Bansa

Duterte personal na naghain ng COC sa pagkapresidente

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagtungo ngayong Martes sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte upang personal na magpasa ng kaniyang  certificate of candidacy (COC) para sa pagkapresidente sa 2016.

Nauna nang naghain si Duterte ng COC sa pamamagitan ng kaniyang abogado noong Nobyembre 27, kasabay nito ang pag-atras ng kaniyang kandidatura sa pagkaalkalde sa Davao City.

Kahit tapos na ang pasahan ay tinaggap pa rin ng Comelec ang kaniyang COC dahil siya ang idineklarang kapalit ni dating Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) presidential bet Martin "Bobot" Diño.

BASAHIN: Petisyon na ideklarang nuisance ang pinalitan ni Duterte, ibinasura ng Comelec

Iginiit ni Duterte na kwalipikado siyang tumakbo dahil hinahayaan ng Comelec ang pagkakaron ng substitute ng isang partido.

Kasamang naghain ng COC ni Duterte ang kaniyang running mate si Sen. Alan Peter Cayetano, PDP-Laban president Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III at si Diño.

ALAN PETER CAYETANO

ANG

ATILDE

BAYAN

COMELEC

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

LABAN

PARTIDO DEMOKRATIKO PILIPINO-LAKAS

QUOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with