MANILA, Philippines - Nagpalabas ng gag order ang Manila Regional Trial Court Branch 53 sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at sa kampo ni Vice President Jejomar Binay kaugnay ng forfeiture case.
Subalit todo tangi naman si Atty. Claro Certeza, abogado ni Binay sa pagsasabing ang nasabing forfeiture proceedings ay confidential kung kaya’t hindi siya maaaring magsiwalat ng anumang detalye.
“This is a confidential proceeding according to the court and if you will give interviews, you will be cited for contempt and we have to respect that,” ani Certeza.
Sakop ng forfeiture case na sinampa ng AMLC ay ang 139 bank accounts at 19 real properties na nakapangalan mismo kay Binay, suspended Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay Jr., Gerardo Limlingan Jr., Ernesto Mercado, Antonio Tiu at 47 iba pa.
Ayon kay Certeza ang forfeiture case ay paglabag sa Republic Act 1379 o the Act Declaring Forfeiture in Favor of the State Any Property Found to Have Been Unlawfully Acquired By Any Public Officer or Employee and Providing for the Proceedings Therefore.
Naghain na ng omnibus motion ang kampo ni Binay sa Manila RTC para hilingin ang dismissal ng forfeiture case ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa kaniyang mga ari-arian.
Matatandaang nahaharap sa freeze order at forfeiture ang Binay properties dahil sa mga kinasasangkutan nitong kontrobersiya.