Probe sa ‘Montero’ para sa kaligtasan ng publiko – Tolentino

MANILA, Philippines - Nanawagan si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa pamahalaan na magsagawa na ng malawakang imbestigasyon sa sinasabing “sudden unintended acceleration” ng Montero SUVs para sa kaligtasan ng nakararaming publiko.

“Ang isyu sa sudden unintended acceleration ng Montero brand ng Mitsubishi ay dapat bigyan ng kaukulang pansin ng pamahalaan hindi lang isang beses ngunit dalawa o tatlong beses,” ani Tolentino.

Iginiit naman ng senatorial candidate na nararapat ring magbigay ng libreng check-up ang Mitsubishi sa mga may-ari ng Montero SUVs para mapanatag ang mga car owners sa kanilang kaligtasan. Ito ay upang ipakita rin ng Mitsubishi na responsable sila sa kanilang mga kliyente.

“Issues such as the braking system and computer box should be thoroughly checked for free, and owners should have a guarantee that everything is in tip-top shape against any SUV. This is a win-win solution for the consumers and the car manufacturer itself, all in the name of public safety,” dagdag pa ni Tolentino.

Kasalukuyang nasa higit 100 may-ari ng Montero ang nagsampa na ng kanilang reklamo na siyang basehan para sa pagpapalabas ng “recall of order” ng Department of Trade and Industry (DTI).

Dapat umanong maging buo ang kooperasyon ng Mitsubishi sa mga imbestigasyon ng pamahalaan at maging tapat sa publiko dahil ang pangalan ng kanilang kumpanya at brand ang nakataya.

“If there are proven faults, Mitsubishi should be honest and apologize. Any sudden acceleration can lead to deaths and injuries,” ani pa Tolentino.

 

Show comments