MR inihain ng kampo ni Sen. Poe sa Comelec

Senator Grace Poe. Facebook/Grace Poe

MANILA, Philippines - Hiniling ng kampo ni Senator Grace Poe sa Comelec na baligtarin ang naging desisyon ng Comelec Second Division na nagdedeklarang hindi siya qualified na kumandidato sa pagka­Pangulo sa susunod na taon.

Ito ay sa pamamagitan ng 63-pahinang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Poe sa pamamagitan ng kanyang abu­gadong si Atty. George Garcia.

Sa kanyang mosyon, iginiit ni Poe na nagkaroon ng error in judgement at grave abuse of discretion ang Comelec Second Division.

Hindi raw kasi ikinonsidera ng Comelec ang mga isinumite nilang ebidensya na magpapatunay na mahigit sampung taon nang naninirahan sa bansa si Poe kaya naabot niya ang minimum residency requirement para tumakbo sa pagkapangulo.

Paliwanag ni Garcia, noon pang May 2005 o isang taon bago ang reacquisition ng kanyang Filipino citizenship ay residente na ng Pilipinas si Poe.

Nagawa umanong matugunan ni Poe ang mga rekisitos para maging residente o mag-establish ng domicile sa Pilipinas at ito ay ang pagkakaruon ng pisikal na presensya sa Pilipinas, ang intensyon na permanente nang manirahan sa ating bansa at tuluyan nang talikuran ang Amerika bilang kanyang former domicile o tirahan.
 

Show comments