Pag-ipit sa asset ni Binay, bigo

Vice President Jejomar Binay. Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Nabigo ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na makakuha ng “asset protection order” para sa bank account ni Vice President Jejomar Binay.

Ito ang inihayag kahapon ni vice presidential spokesperson Atty. Rico Quicho na nagpapakita umano na walang legal na basehan ang AMLC laban kay Binay bagkus ay pinagsusumite pa ng korte ang AMLC ng kanilang komento sa mosyong inihain ng Bise Presidente.

“The court did not grant AMLC’s petition and was instead ordered to comment on the motion of the Vice President. This only shows that the case being presented by AMLC has no legal basis to stand on,” kumpirma ni Quicho.

Ayon kay Quicho nagboluntaryo mismo si Binay sa korte na hindi niya gagalawin ang pondo sa kanyang bank account na kinukuwestyon hanggang sa maayos ng korte ang naturang legal na isyu.

“Since the 20-day provisional asset protection order was deemed lifted, Vice President Binay volunteered to the court that he will not touch the funds in his account in order for the court to properly resolve the legal issues,” pahayag ni Quicho.

Sinabi ni Quicho na nagpapakita ito ng boluntaryong aksyon ng Bise Presidente na wala siyang itinatago at kumpiyansa na ang petisyon ng AMLC ay hindi lamang ilegal kundi klarong gawain ng political harrasment.

Ipinunto ni Quicho na matapos na paratangan na may bilyun-bilyong deposito ni Binay sa kanyang sinasabing 242 accounts, hiniling ng AMLC sa Manila Regional Trial Court (RTC) na i-freeze ang nag-iisang account ng Bise Presidente na may depositong P1.7 milyon, na malinaw na pag-amin na walang solidong ebidensya laban sa huli.

Binigyang-diin ng kampo ni Binay na ang huling petisyon ng AMLC ay tahasang paglabag sa Republic Act 1379 (Act Declaring Forfeiture in Favor of the State Any Property Found To Have Been Unlawfully Acquired By Any Public Officer or Employee and Providing for the Proceedings Therefor).

Nakasaad sa Section 2 ng RA 1379 na walang petisyon na maaaring maisampa sa loob ng isang taon bago ang anumang general election o tatlong buwan bago anumang special election.

 

Show comments