MANILA, Philippines - Hindi maaaring manghimasok ang Office of the Ombudsman para disiplinahin ang mga kongresistang pala-absent. Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, hindi ordinaryong miyembro ng civil service ang mga miyembro ng kamara dahil halal silang mga opisyal. Kaya nangangahulugan ito na hindi sila maaaring patawan ng administrative sanctions dahil ang pwede lang ding magsuspinde o magtanggal ng isang congressman ay ang mga kapwa-kongresista sa pamamagitan ng majority votes at 2/3 votes.