^

Bansa

Dahil sa TRO sa No Bio, No Boto 2016 poll baka ipagpaliban

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na ipagpaliban ang halalan sa  2016  kung hindi aalisin ng Korte Suprema ang temporary restraining order na inilabas nito laban sa pagpapatupad ng patakarang ‘No Bio, No Boto” ng Commission on Elections. Ito naman ang tugon ni Comelec Chairman Andres  Bautista sa TRO na inilabas ng Mataas na Hukuman  bago ang  deadline na ibinigay sa poll body  hanggang December 11.

Ayon kay Bautista,  malaki ang epekto ng  TRO sa kanilang pagha­handa para sa nalalapit na  national at local elections.

“Iniisip ko ngang sumulat kaagad sa ating Korte Suprema at hingin nga, ipakita na baka magkaproblema ang halalan kung hindi nila i-lift ang temporary restraining order,” ani Bautista.

Sa katunayan umano ay nais na nilang tapusin  sa Disyembre 15 ang  listahan ng  mga botante. Umaasa sila na maiisip ng Supreme Court ang mga bagay na kanilang   pinag-ukulan ng pansin  at oras upang matapos sa takdang panahon. Su­balit wala naman silang magagawa kung hindi   ipa­tutupad at wala umano silang magagawa kundi ipagpaliban ito.

Nagtaka lamang si Bautista kung bakit nga­yon lamang kinuwestiyon ang “No Bio, No Boto” kung kailan malapit na ang halalan.

 

ACIRC

ANG

AYON

BAUTISTA

COMELEC CHAIRMAN ANDRES

DISYEMBRE

KORTE SUPREMA

NBSP

NO BIO

NO BOTO

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with