MANILA, Philippines – Kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan si dating Government Service Insurance System (GSIS) president at general manager Winston Garcia at 10 pa kaugnay sa umano’y maanomalyang pag-aaward ng kontrata sa isang electronic membership card (e-card) project noong 2004.
Lumabag umano ang mga akusado sa section 3 ng Republic Act 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act na nagbabawal sa sinumang public official na gamitin ang posisyon para sa personal na interes at higit na nakakaapekto sa kaban ng bayan.
Sa record, noong May 2004, si Garcia at kapwa akusado ay nagkutsabahan umano upang mai-award ang multimillion-peso project sa Union Bank of the Philippines (UBP) kahit na hindi umano nag-comply sa requirements at procedures na naitakda ng RA 9184 (Government Procurement Reform Act).
Nagsayang umano ang pamahalaan ng P1.27 bilyon sa loob ng 7 taon mula sa paglilipat ng pondo ng GSIS mula LBP papuntang UBP.