China pinasasagot ng Arbitration court sa WPS

Tinapos na kamakalawa ng UN body ang pagtanggap ng ebidensiya at testimonya mula sa Pilipinas kaugnay ng reklamo nito laban sa China sa agawan ng teritoryo sa WPS. Ritchie B. Tongo/Pool Photo via AP, File

MANILA, Philippines – Binigyan ng hanggang Enero 1, 2016 ng Permanent Court of Arbitration ang China upang sagutin ang mga alegasyon ng Pilipinas ukol sa isyu ng West Philippine Sea.

Sinabi ng UN tribunal, bagamat hindi nag-participate ang China sa arbitration court ay binibigyan pa din nito ng pagkakataon na sumagot ang China sa pamamagitan ng sulat.

Tinapos na kamakalawa ng UN body ang pagtanggap ng ebidensiya at testimonya mula sa Pilipinas kaugnay ng reklamo nito laban sa China sa agawan ng teritoryo sa WPS.

Sa naunang desisyon ng korte, binigyan nito ang Pilipinas at China ng hanggang Disyembre 9 upang magsumite ng mga corrections sa transcript ng pagdinig habang ang Pilipinas ay may hanggang Disyembre 18 upang magsumite ng kanilang mga written responses.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tiwala ang Pilipinas na maayos na naiharap nito ang mga ebidensiya at testimonya sa UN court upang patunayan na sakop ng Pilipinas ang inaangking teritoryo ng China na nasa West Philippine Sea.

 

Show comments