CBCP kay Duterte: Nakakahiya

MANILA, Philippines — Hindi ikinatuwa ng Simbahang Katolika ang naging komento ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa naranasan niyang bigat nang trapiko sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa noong Enero.

Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), ngayong Martes na bukod sa naging pahayag ni Duterte ay nakakahiya rin na pinagtawanan lamang ito ng mga nanonood sa kaniya.

"When a revered and loved and admired man like Pope Francis is cursed by a political candidate and the audience laugh, I can only bow my head and grieve in great shame. My countrymen has gone to the dregs," pahayag ni Villegas.

"When we find vulgarity funny, we have really become beastly and barbaric as a people," dagdag niya.

 

MAYOR DUTERTE?What the world desperately needs now is leadership by example. We have so many leaders in office and...

Posted by Socrates B. Villegas on Monday, November 30, 2015

Ikinuwento ni Duterte kahapon sa pagpapakilala sa kaniya bilang standard bearer ng PDP-Laban kung paano siya naapektuhan ng mga isinarang kalsada para sa pagdating ni Pope Francis.

"Gusto kong tawagan, 'Pope p******, umuwi ka na," pahayag ng alkalde ng Davao na tinawanan ng mga manonood.

Kinuwestiyon din ni Villegas kung maganda bang halimbawa sa publiko ang ipinakita ni Duterte.

LISTAHAN:Senatorial bets ni Duterte

"What the world desperately needs now is leadership by example. We have so many leaders in office and many more aspiring to sit in office but are they examples of good citizenship?" ani ng CBCP president.

Samantala, nilinaw naman ni Duterte na ang naranasang bigat ng trapiko at hindi si Pope Francis ang kaniyang minura.

"I never said p**** mo Pope. I said ‘'t****, huwag ka na pumunta dito," wika ni Duterte sa isang panayam sa radyo.

Show comments