^

Bansa

Pagtatapos ng Bar Exams mapayapa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Korte Suprema ang maayos at payapang pagtatapos ng Bar Exams na isinagawa sa apat na linggo ng Nobyembre  sa Univerity of Santo Tomas campus sa España, Maynila.

Ayon kay SC Spokesperson Theodore Te, umaabot sa 7,146 na law graduates ang nagpare­histro subalit 6,619 lamang ang nakakuha ng exam. Nasa 527 naman ang  nadiskuwalipika matapos na mabigong makakuha ng exam sa unang linggo ng pagsusulit.

Ang Bar exams ay kinabibilangan ng Political Law, Labor Law, Civil Law, Taxation, Mercantile, Criminal Law, Remedial at Legal at Judicial Ethics.

Sinabi ni Te, na naging maayos naman ang pagsunod ng mga examinees sa kanilang regulasyon kabilang na ang paggamit ng mga transparent bag kung saan kita ang kanilang mga bar materials, pen, pagkain tubig at mga kailangan.

Ipinatupad din ito upang matiyak na walang anumang mga kontrabando o anumang mga bawal ang naipapasok sa examination room.

Nagsagawa rin ng dagdag na security measure ang mga awtoridad upang maiwasan na maulit ang pagsabog sa bar exams week tulad na rin ng nangyari noong Set­yembre 2010 sa harap ng De La Salle Univerity sa Taft Avenue, Manila.

ACIRC

ANG

ANG BAR

BAR EXAMS

CIVIL LAW

CRIMINAL LAW

DE LA SALLE UNIVERITY

JUDICIAL ETHICS

KORTE SUPREMA

LABOR LAW

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with