^

Bansa

Cayetano umangat sa NCR

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng dobleng rating sa pina­kabagong survey ng Pulse Asia sa National Capital Region (NCR) si Sen. Alan Peter Ca­yetano, running mate ni presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo “Rody” Duterte.

Sa Pulse Asia survey na ginawa noong Nobyembre 11-12, nakakuha ng pinakamala­king dagdag sa puntos si Sen. Cayetano kumpara sa iba pang kumakandidato sa pagka-bise presidente.

Nadagdagan ng 10 percent si Cayetano, na naging 20 percent mula sa 10% noong Set­yembre.

Samantala, ang puntos naman ni Sen. Chiz Escudero ay tumaas lamang ng 5% (27-32),  ang kay Marcos ay tumaas ng 3% (21-24), habang si Leni Robredo ay tumaas ng 9%.

Dahil sa malaking pagtaas sa rating ni Cayetano, ito ay statistically tied na kay Marcos, na pumapangalawa sa karera sa pagka-bise presidente.

Samantala, mistulang binuhusan naman ng malamig na tubig ang huling hirit ni Marcos na maging katambal si Duterte sa darating na halalan. Ito ay kahit pinal na ang tambalang Duterte at Cayetano.

Sa isang panayam, sinabi ni Duterte na si Cayetano na ang napili niyang running mate sa 2016 Presidential elections.

“Si Senator Caye­tano, yan ang tandem namin, that’s the ticket,” sagot ni Duterte nang tanungin siya tungkol sa kanyang ka-tandem.

“Sa pagkakaintindi ko sila ni Senator Santiago, si Miriam, I met with him once but since then I have not talked to Bongbong.” Sabi ni Duterte.

Sinabi rin ng alkade na gustong makipag-usap sa kanya ni Senador Marcos pero binigyang diin niya na kay Senador Cayetano na ang kanyang commitment.

“He (Marcos) wants to talk to me, I am ready, but, sabi ko I am sorry, I am committed. I cannot change horses. Commitments are commitments, it’s your word of honor,” dagdag niya.

ACIRC

ALAN PETER CA

ANG

CAYETANO

CHIZ ESCUDERO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO

DUTERTE

LENI ROBREDO

NATIONAL CAPITAL REGION

PULSE ASIA

SA PULSE ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with