^

Bansa

PNoy nasa Paris para sa climate talks

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tumulak na ng Paris, France si Pangulong Aquino para dumalo sa Conference of Parties 21 (COP 21) kaugnay ng kampanya laban sa climate change.

Bandang alas-10 ng umaga kahapon umalis ang Pangulo kasama ang kanyang dele­gasyon lulan ng PAL flight 0001.

Sa kanyang mensahe sa airport bago umalis, sinabi ni Aquino na isang pagkakataon ang climate talks sa Pa­ris para sa mga world leaders na gumawa ng collective actions matapos bigong makabuo ng consensus noong 2009 climate change confe­rence sa Copenhagen, Denmark.

Mula sa France ay magtutungo din ang Pangulo sa Italy at Rome para sa official at wor­king visits.

Sasaksihan ni PNoy ang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Italy sa kanyang pagbisita dito.

Makikipagpulong din ang Pangulo kay Italian President Sergio Mattarella at Prime Minister Matteo Renzi bukod sa pakikipagkita sa Filipino community.

“Pupunta din po ang ating delegasyon sa Vatican City. Sasaksihan natin doon ang pagbebendisyon sa imahen ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia. Dadalaw rin po tayo kay Papa Francisco, upang ipaabot ang ating mga panalangin para sa bansa at sa ating mga kababayan, na alam na­ting malapit sa kanyang puso,” wika naman ni Communications Sec. Sonny Coloma.

ACIRC

ANG

COMMUNICATIONS SEC

CONFERENCE OF PARTIES

ITALIAN PRESIDENT SERGIO MATTARELLA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PAPA FRANCISCO

PRIME MINISTER MATTEO RENZI

SASAKSIHAN

SONNY COLOMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with