^

Bansa

Mayor Digong kontra sa bawas-tax

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

DAVAO CITY, Philippines – Tutol si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa panukalang Lower Income Tax Rate.

Sa panayam kay Duterte, sinabi nito na sakaling mahalal siyang Presidente ng bansa, hindi muna niya  isusulong ang pagpapababa ng buwis.

Paliwanag ng alkalde, mas kakailanganin niya ng pera para mapataas ang sweldo ng mga manggagawa.

Gagamitin din umano nito ang pera para sa social services at isyu tulad ng trabaho, kagutuman at decongestion sa Metro Manila.

Igiiit pa ni Duterte, na para maisakatuparan ang pag-decongest ng Kalakhang Maynila, kailangan niyang manghiram ng pera.

Masyado na umanong  overcrowded ang Metro Manila dahil sa dami ng mga tao at sasakyan, rason para dagdagan ang mga infrastructure at mga lansangan.

Dagdag pa ng Alkalde, gusto niyang ayusin ang Clark/Subic International Airport para magamit.

Nagiging isyu nga­yon ang Lower Income Tax Rate bill dahil sa patuloy na pagkontra rito ni Pa­ngulong Aquino.

ACIRC

ALKALDE

ANG

AQUINO

DAGDAG

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

KALAKHANG MAYNILA

LOWER INCOME TAX RATE

METRO MANILA

SUBIC INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with