^

Bansa

PNoy mangunguna sa climate change forum

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tutulak ngayon sa Paris si Pangulong Aquino para dumalo sa climate change conference.

Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma, nasa 20 bansa ang dadalo sa nasabing forum na kinabibila­ngan ng mga developing countries na siyang higit na apektado ng mga kalamidad na dulot ng climate change.

Layunin umano ng forum na makalikom ng pondo mula sa mga pribadong sektor para itulong sa mga mahihirap na bansang madalas nakakaranas ng sakuna gaya ng Pilipinas.

Ayon kay Coloma, isusulong ng Pilipinas ang commitment nitong bawasan ang carbon emission ng bansa pagsapit ng 2030 sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy.

Ayon sa Palasyo, mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na kasunduan sa kampan­ya laban sa climate change dahil isa ang Pilipinas sa mga higit na apektado lalo na sa sektor ng agrikultura at food security sa bansa.

Una nang iniulat sa report ng Asian Deve­lopment Bank (ADB) na kabilang ang Pilipinas sa tatlong mga bansa na nasa “high risk” sa climate change disasters.

ACIRC

ANG

ASIAN DEVE

AYON

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

LAYUNIN

MGA

PALASYO

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with