MANILA, Philippines – May pamaskong handog ang Social Security System (SSS) para sa mga miembro nitong mga OFW.
Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga member OFWs ng libreng tawag sa 11 bansa.
Ayon kay Judy Frances A. See, SSS senior vice president for international operations, ang mga OFW na may katanungan o kahilingan ay maaaring gumamit ng libreng serbisyo ng ahensiya.
Ang toll-free numbers ay 001-8000-CALL-SSS para sa Hong Kong at Singapore; -- 00-8000-CALL-SSS sa Malaysia, Taiwan, Italy at United Kingdom; 801-4275 sa Brunei; -- 00800-100-260 sa Qatar; 800-0630-0038 sa United Arab Emirates; -- 800-863-0022 sa Saudi Arabia; at 8000-6094 sa Bahrain.
Ang toll-free numbers ay bukas sa mga OFW mula alas-6 ng umaga Lunes hanggang sa Sabado ng alas-6 ng umaga, oras sa Pilipinas.
Ayon kay See, karamihan sa mga katanungan mula sa OFW Contact Services Unit (CSU) ay ang reactivation ng SSS membership, verification ng kontribusyon at loan records, queries kung paano mag aplay ng SSS number, lugar ng SSS foreign representative offices, accredited overseas payment channels at status ng aplikasyon.