^

Bansa

Duterte naghain na ng COC sa pagka-pangulo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluy-tuloy na ang pagtakbo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapa­ngulo sa May 2016.

Ito’y matapos na maghain kahapon ng kanyang kandidatura si Duterte kung saan kinatawan ito ni Atty. Salvador Medialdea na nagtungo sa Commission on Elections (Come­lec) sa Intramuros, Maynila.

Dala rin ni Medialdea ang certificate of nomination and acceptance sa Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Ba­yan (PDP-Laban).

Papalitan ni Duterte si VACC chairman Martin Diño bilang official standard bearer ng partido. 

Tinanggap ng Comelec Law Department ang mga dokumento ngunit pagdedesisyunan pa ng Comelec en banc kung maaari siyang humalili kay Diño.

Inurong na rin ni Duterte ang COC para sa pagka-mayor ng Davao City.

Papalit naman sa kanya sa mayoralty race ang anak na si Inday Sarah Duterte na dati na ring naging mayor ng lungsod.

Kasunod ng pagdeklara ng pagtakbo ni Duterte sa pagka-presidente, napuno na ng mga tarpaulin nilang dalawa ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga kalsada sa Davao City. 

Bago ito, umapela si PDP-Laban president Sen. Koko Pimentel kay Duterte na huwag nang paabutin pa ng Disyembre 10 ang filing ng CoC dahil baka magkaproblema pa sa Comelec.

ACIRC

ANG

ATILDE

COMELEC

COMELEC LAW DEPARTMENT

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

INDAY SARAH DUTERTE

KOKO PIMENTEL

LABAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with