MANILA, Philippines – Marami ang nagugutom at mahihirap, kaya naman walang halaga ang 6-percent na paglago ng ekonomiya sa ikatlong bahagi ng taon, ayon kay Bise Presidente Jejomar Binay.
Sinabi ni Binay na hindi nararamdaman ng mahihirap ang paglago ng ekonomiya sa kabila ng pag-usbong nito dahil hindi naman dumarami ang trabaho.
"Economic growth is meaningless if it excludes the poor and working class Filipinos. We have claims of growth in the midst of unmitigated poverty, unemployment and hunger. The job of any administration is to address poverty by providing jobs and economic opportunities," pahayag ng bise presidente.
Tinukoy ni Binay ang resulta ng Social Weather Survey, kung saan nasa 11 milyon ang nagsabing mahirap sila.
Lumabas din sa naturang survey na umabot sa 66 percent ang poverty incidence sa Visayas habang 70 percent sa Mindanao.
Umakay din sa 54 percent ang mga Pinoy na nagsabing mahirap sila noong 2014, mas mataas ng anim na porsiyento mula nang umupo sa pwesto si Pangulong Benigno Aquino III noong 2010.
"We witnessed how good intentions are not enough to run a country. Umunlad ang iilan, milyun-milyon pa rin ang mahirap, nagugutom at walang trabaho. Kawawa naman ang taumbayan kung mauulit ito sa susunod pang anim na taon," wika ni Binay na tatakbong pangulo sa 2016.
Sa tingin ni Binay ay dapat ay magkaroon ng foreing direct investment sa bansa upang dumami ang trabaho.
"Ang hinahanap ng investors stability, consistency. ‘Yan ang dahilan kung bakit mababa ang foreign direct investments natin kumpara sa ibang bansa sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations)."