MANILA, Philippines – Nais ng mga mamamayan mula sa Luzon, Visayas at Mindanao na mapabilang si Senatorial candidate Mark Lapid sa magic 12 sa halalan sa susunod na taon, ayon sa huling 2016 election survey ng RMN.
Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Lapid sa tiwala at suportang ipinagkakaloob sa kanya ng publiko.
Batay sa survey, si Lapid ay nakakuha ng kabuuang 24.97 percent kung saan ang 20.18 ay sa NCR; 24.13 sa Central Luzon; 19.77 mula sa South Luzon, 22.25 sa Visayas, at 34.78 sa Mindanao.
Bago pa man ang lumalabas na survey ng RMN, si Lapid ay halos lagpas sa ika-15 puwesto sa ilang mga survey at kitang-kita ang mataas at biglaan niyang pagtalon ng numero na nagpapakita na batid ng mga mamayan ang naging kontribusyon ni Lapid sa turismo at dagdag na hanap-buhay sa bansa.
Ang survey ay ginawa noong October 25 hanggang Nobyembre 5 na mayroong 3,604 respondents.
Nagsilbi si Lapid bilang dating Chief Operating Officer at General Manager ng TIEZA na ang tungkulin ay ang maipakilala at lalo pang mapayabong ang mga tourist destinations at enterprise zones sa bansa.
At sa kaniyang panungkulan, hindi lamang napangalagaan o naingatan at napaunlad at napakilala ang mga pangunahing lugar turismo sa bansa na nakatulong ng higit sa ating ekonomiya kundi nakapaglikha rin sila ng 6.3 milyong trabaho noong 2015.