Women power hirit ni Leni
MANILA, Philippines – Economic empowerment ang makakapagbigay ng totoong women empowerment at makakapigil sa mga kalupitan laban sa kababaihan.
Ito ang giit ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo sa kanyang talumpati sa “Women Rising: Voice of the Filipina Leader in Public Service “ event kamakailan.
Sinabi ni Robrero na, bilang pangulo ng Naga City Council of Women, natuklasan niya na ang pagbibigay ng lakas sa kababaihan ay sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa ekonomiya.
“Kung mabibigyan ng kapangyarihan sa pananalapi ang isang babae, mabubuksan sa harap niya ang maraming oportunidad. Maaari siyang magtatag ng negosyo mula sa kawalan.
Mas nagagamit nang mabuti ang badyet sa bahay sa pamamagitan ng pagbibigay ng prayoridad sa pag-aaral at kalusugan,” dagdag ni Robredo na isang abogadong nagsusulong sa kapakanan ng kababaihan sa bansa at nagbibigay ng libreng tulong legal sa mga mahihirap.
Ipinunto rin ni Robredo na makatutulong ang economic empowerment para mailayo ang kababaihan sa kalupitan, pag-abuso at iba pang uri ng paglabag sa karapatang pantao.
Madalas, napapansin ni Robredo na hindi naipaglalaban ng mga naaabusong babae ang kanilang karapatan dahil umaasa sila sa kanilang partner pagdating sa pinansiyal at wala nang malapitan.
- Latest