MANILA, Philippines – Ito ang binigyan diin ni Manila Mayor Joseph Estrada matapos na tanungin kung kasama na si Davao Mayor Rodrigo Duterte sa mga pinag-iisipan niyang susuportahan sa 2016 elections.
Ayon kay Estrada, bagama’t kaibigan niya si Duterte, hindi niya ito ikinokonsidera na suportahan sa nalalapit na presidential elections.
Si Vice Pres. Jejomar Binay ay matalik na kaibigan ni Estrada habang inaanak naman nito si Sen. Grace Poe.
Paliwanag ni Estrada, masyado umanong mababaw ang dahilan ni Duterte na hindi nito nagustuhan ang desisyon ng Korte Suprema kay Poe kung saan sinabing ‘natural born citizen ang senadora.
Giit ni Estrada na hindi umano dapat na personal ang dahilan ng pagtakbo ni Duterte o sinumang kandidato at sa halip ay ang kapakanan ng mas nakararaming Pilipino.
Tinawag din ni Estrada na “too late” ang deklarasyon ni Duterte at wala na ring impact sa publiko lalo pa’t naging urong-sulong ito sa kanyang kandidatura.
Binigyan diin pa ni Estrada na hindi naman umano maaaring hindi siya mag-endorse dahil may tungkulin pa rin siya sa sambayanan.
Ang kanyang pag-eendorso ay pagbibigay ng gabay sa mga botante para sa ikauunlad ng bansa.